Pag-mirror ng screen ng iyong device nang wireless sa isang TV
Gamitin ang feature na Pag-mirror ng screen upang ipakita ang screen ng iyong device
sa isang TV o iba pang malaking display nang hindi gumagamit ng koneksyon ng kable.
Ang teknolohiyang Wi-Fi Direct™ ay gumagawa ng wireless na koneksyon sa pagitan ng
dalawang device, upang magawa mong mag-relax at tingnan ang iyong mga paboritong
larawan habang nakaupo sa iyong sofa. Magagamit mo rin ang feature na ito upang
makinig sa musika mula sa iyong device sa pamamagitan ng speakers ng TV.
Dapat ay sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror ng screen batay sa Miracast™ na NA-
CERTIFY ng Wi-Fi upang gumana ang functionality na inilalarawan sa itaas. Kung hindi
sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror ng screen, maaaring kailangan mong bumili ng
wireless display adapter.
Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, paminsan-minsan ay maaaring mabawasan ang
kalidad ng imahe kung mayroong interference mula sa iba pang mga Wi-Fi® network.
113
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang i-mirror ang screen ng iyong device sa isang TV screen
1
TV: Sundin ang mga tagubilin sa User guide ng iyong TV upang i-on ang function
na pag-mirror ng screen.
2
Iyong device: Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Pag-mirror
ng screen.
4
Tapikin ang
Simulan.
5
Tapikin ang
OK at pumili ng device.
Kapag gumagamit ng pag-mirror ng screen, huwag takpan ang lugar ng antenna ng Wi-Fi ng
iyong device.
Dapat ay sinusuportahan ng iyong TV ang pag-mirror ng screen batay sa Wi-Fi CERTIFIED
Miracast™ upang gumana ang functionality na inilalarawan sa itaas.
Upang ihinto ang screen mirroring sa pagitan ng mga device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Pagkakakonekta ng Xperia™ > Pag-mirror
ng screen.
3
Tapikin ang
Idiskonekta, pagkatapos ay tapikin ang OK.