Menu ng home screen ng Album
Sa pamamagitan ng menu ng home screen ng Album, maba-browse mo ang lahat ng
iyong album ng larawan, kasama na ang mga larawan at video na kinunan ng camera ng
iyong device gamit ang mga special effect, pati na rin ang nilalaman na ibinabahagi mo
online sa pamamagitan ng mga serbisyong gaya ng PlayMemories Online, Picasa™ at
Facebook. Kapag naka-log in ka na sa ganoong mga serbisyo, magagawa mong
mamahala ng nilalaman at tumingin ng mga online na imahe. Mula sa application na
Album, maaari ka ring magdagdag ng mga geotag sa mga larawan, magsagawa ng mga
karaniwang gawain sa pag-edit at gumamit ng mga paraan gaya ng Bluetooth® wireless
technology at email para magbahagi ng nilalaman.
1
Tumingin ng mga larawan at video gamit ang serbisyo ng PlayMemories Online
2
Bumalik sa home screen ng application na Album upang tingnan ang lahat ng nilalaman
3
Tingnan ang iyong mga paboritong larawan at video
107
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
4
Tingnan ang lahat ng video na naka-save sa iyong device
5
Tingnan ang iyong mga larawan sa isang mapa o sa Globe view
6
Tingnan ang iyong mga larawan at video na nakatago
7
Tingnan ang lahat ng larawan at video na kinunan ng camera ng iyong device gamit ang mga special
effect
8
Tingnan ang lahat ng larawan at video na naka-save sa iyong device sa iba't ibang folder
9
Tingnan ang lahat ng larawang may mga mukha
10 Tumingin ng mga larawan at video sa mga device sa iisang network
11 Buksan ang menu ng mga setting para sa Album application
12 Tumingin ng mga larawan at video sa Facebook™
13 Tumingin ng mga larawan at video sa Picasa™
14 Tumingin ng mga larawan gamit ang online na serbisyo ng Flickr™
Hindi available sa lahat ng bansa o rehiyon ang serbisyo ng PlayMemories Online.
Upang tumingin ng mga larawan mula sa mga online na serbisyo sa Album
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Album, pagkatapos ay i-drag ang kaliwang gilid ng home
screen ng Album pakanan.
3
Tapikin ang gustong online na serbisyo, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin
sa screen upang masimulang gamitin ito. Ipapakita ang lahat ng available na
album sa online na in-upload mo sa serbisyo.
4
Tapikin ang anumang album upang tingnan ang nilalaman nito, pagkatapos ay
tapikin ang isang larawan sa album.
5
Mag-flick pakaliwa upang matingnan ang susunod na larawan o video. Mag-flick
pakanan upang tingnan ang nakaraang larawan o video.