Pag-charge sa iyong device
Ang iyong device ay may naka-embed at nare-recharge na baterya na Sony lamang ang
dapat magpalit o kaya isang awtorisadong Sony repair center. Hindi mo dapat subukang
buksan o kalasin ang iyong device. Ang pagbubukas sa device ay maaaring magdulot ng
pagkasira na magpapawalang-bisa sa iyong warranty.
Ang baterya ay bahagyang na-charge pagkalabas ng device mula sa pabrika. Depende
sa kung gaano katagal na itong nasa kahon bago mo ito binili, maaaring napakahina na
ng baterya. Dahil dito, inirerekomendang i-charge mo ang baterya nang kahit 30 minuto
bago i-on ang iyong device sa unang pagkakataon. Magagamit mo pa rin ang iyong
device habang nagcha-charge ito. Magbasa nang higit pa tungkol sa baterya at kung
paano pahusayin ang pagganap sa
Pamamahala sa baterya at power
sa
pahinang 22 .
Upang i-charge ang iyong device
1
Isaksak ang charger sa isang saksakan.
2
Isaksak ang isang dulo ng USB cable sa charger (o sa USB port ng isang
computer).
3
Isaksak ang kabilang dulo ng cable sa micro USB port sa iyong telepono, na nasa
taas ang simbolo ng USB. Magliliwanag ang ilaw ng notification kapag nagsimula
na ang pag-charge.
4
Kapag ganap nang na-charge ang device, idiskonekta ang cable sa iyong device
sa pamamagitan ng paghila rito palabas. Tiyaking huwag mabaluktot ang
tagapagkonekta.
Kung ganap na na-discharge ang baterya, maaaring tumagal ng ilang minuto bago lumiwanag
agn ilaw ng notification at lumabas ang icon sa pag-charge .
Katayuan ng ilaw ng notification ng baterya
Berde
Nagcha-charge ang baterya at mas mataas sa 90% ang antas ng charge ng baterya
Pula
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 15% ang antas ng charge ng baterya
Orange
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 90% ang antas ng charge ng baterya
12
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.