Sony Xperia Z Ultra - Pagba-back up at pagbabalik ng nilalaman

background image

Pagba-back up at pagbabalik ng nilalaman

Sa pangkalahatan, hindi ka dapat mag-save ng mga larawan, video at iba pang personal

na nilalaman sa internal memory lang ng iyong device. Kung may mangyari sa hardware,

o kung mawala o manakaw ang iyong device, tuluyang mawawala ang data na

nakaimbak sa internal memory nito. Inirerekomendang gamitin ang software na Xperia™

Companion upang magsagawa ng mga pag-back up na ligtas na magse-save sa iyong

data sa isang computer, na isang external device. Partikular na inirerekomenda ang

paraang ito kung ina-update mo ang software ng iyong device sa mas bagong bersyon

ng Android.

142

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Gamit ang Pag-backup at Pagbalik, makakapagsagawa ka ng mabilis na online na pag-

back up ng mga pangkaraniwang setting at data sa pamamagitan ng iyong Google™

account.

Napakahalagang tandaan mo ang password na itatakda mo kapag nagsagawa ka ng pag-

back up ng data. Kung makalimutan mo ang password, maaaring hindi na posibleng maibalik

ang mahalagang data gaya ng mga contact at mensahe.

Pagba-back up ng data sa isang computer

Gamitin ang software na Xperia™ Companion upang mag-back up ng data mula sa
iyong device patungo sa isang PC o Apple

®

Mac

®

computer. Maaari mong i-back up

ang mga sumusunod na uri ng data:

Mga contact at log ng tawag

Mga text message

Kalendaryo

Mga Setting

Mga media file gaya ng musika at mga video

Mga larawan at imahe

Upang i-back up ang iyong data gamit ang isang computer

1

Tiyaking naka-install ang Xperia™ Companion for Windows

( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion ) o Xperia™ Companion

for Mac OS ( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac ) sa
iyong PC o Mac

®

.

2

Ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable.

3

Computer: Buksan ang Xperia™ Companion software kung hindi ito

awtomatikong malulunsad. Pagkalipas ng ilang sandali, made-detect ng computer

ang iyong device.

4

Piliin ang

Backup sa pangunahing screen.

5

Sundin ang mga tagubiling nasa screen upang mag-back up ng data mula sa

iyong device.

Upang ibalik ang iyong data gamit ang isang computer

1

Tiyaking naka-install ang Xperia™ Companion for Windows

( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion ) o Xperia™ Companion

for Mac OS ( http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac ) sa
iyong PC o Mac

®

.

2

Ikonekta ang iyong device sa computer gamit ang isang USB cable.

3

Computer: Buksan ang Xperia™ Companion software kung hindi ito

awtomatikong malulunsad.

4

I-click ang

I-restore .

5

Pumili ng backup file mula sa mga backup na rekord, pagkatapos ay tapikin ang

Susunod at sundin ang mga tagubilin sa screen para maibalik ang data sa iyong

device.

Pag-back up ng data gamit ang application na Pag-back up at

Pagbabalik

Gamit ang application na Pag-back up at Pagbalik, maaari kang mag-back up ng data

nang manu-mano o mag-on ng function na awtomatikong backup upang mag-save ng

data nang regular.
Inirerekomenda ang application na Pag-back up at Pagbalik para sa pag-back up ng

data bago ka magsagawa ng pag-reset sa factory data. Gamit ang application na ito,

maba-back up mo ang mga sumusunod na uri ng data sa isang SD card o sa isang

external USB storage device na iyong kinonekta sa pamamagitan ng USB Host Adapter

sa iyong device:

Mga Bookmark

Mga setting ng system

Mga Contact

Mga Pag-uusap

143

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

Data ng Kalendaryo

Mga media file

Depende sa bersyon ng application na Pag-back up at Pagpapabalik na naka-install sa iyong

device, maaaring hindi ka makapag-back up at makapagpabalik ng data sa pagitan ng iba't

ibang bersyon ng Android, halimbawa, kapag nag-a-update mula sa bersyon ng Android na

4.4 patungong bersyon na 5.0. Gayunpaman, kung nagpapatakbo ka ng bersyon na 1.1 (o mas

bago) ng application na Pag-back up at Pagbalik, maaari mong ibalik ang iyong data sa

pagitan ng ganoong mga update. Maaari mong tingnan ang bersyon ng application na Pag-

back up at Pagbalik sa ilalim ng

Mga Setting > Apps > Lahat > I-back up at ipanumbalik.

Upang mag-back up ng nilalaman gamit ang application ng Pag-backup at pagbalik

1

Kung nagba-back up ka ng nilalaman sa isang USB na storage device, tiyaking

nakakonekta ang storage device sa iyong device gamit ang naaangkop na cable.

Kung nagba-back up ka sa isang SD card, tiyaking maayos na nakalagay ang SD

card sa iyong device.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

I-backup at Ibalik.

4

Tapikin ang

I-back up, pagkatapos ay pumili ng patutunguhan ng backup at ang

mga uri ng data na gusto mong i-back up.

5

Tapikin ang

Mag-back up ngayon.

6

Magpasok ng password para sa pag-backup, pagkatapos ay tapikin ang

OK.

Upang mag-restore ng nilalaman gamit ang application na Pag-backup at pag-restore

1

Kung nagre-restore ka ng nilalaman sa isang USB na storage device, tiyaking

nakakonekta ang storage device sa iyong device gamit ang naaangkop na kable.

Kung nagre-restore ka ng nilalaman sa isang SD card, tiyaking maayos na

nakalagay ang SD card sa iyong device.

2

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

I-backup at Ibalik.

4

Tapikin ang

Ipanumbalik.

5

Piliin ang record na gusto mong i-restore, pagkatapos ay tapikin ang

Ipanumbalik

ngayon.

6

Ipasok ang password para sa backup na record, pagkatapos ay tapikin ang

OK.

Tandaan na ang anumang mga pagbabago na iyong ginawa sa iyong data at mga setting

pagkaraan mong gumawa ng backup ay mabubura sa panahon ng pamamaraan sa pag-

restore.