Paghahanap ng nawawalang device
Kung mayroon kang Google™ account, makakatulong sa iyo ang serbisyo sa web ng
“Proteksyon ng my Xperia” na mahanap at ma-secure ang iyong device kung sakaling
mawala mo ito. Kung na-aktibo mo ang serbisyong ito sa iyong device o sa
myxperia.sonymobile.com
, maaari mong gawin ang sumusunod:
•
Hanapin ang iyong device sa isang mapa.
•
Magpatunog ng alerto na gumagana kahit naka-silent mode ang device.
•
I-lock ang device nang malayuan.
•
I-clear nang malayuan ang panloob at panlabas na memory ng device kung wala nang
magagawa pa.
Maaaring hindi available sa lahat ng bansa/rehiyon ang serbisyong “Proteksyon ng my Xperia”.
138
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang i-aktibo ang serbisyong Proteksyon ng my Xperia sa iyong device
1
Tiyaking mayroon kang aktibong koneksyon sa data
2
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
3
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Seguridad > Proteksyong hatid ng my
Xperia > I-activate.
4
Kung inaaktibo mo ang serbisyo sa unang pagkakataon, markahan ang checkbox
upang sumang-ayon sa mga tuntunin at kundisyon ng paggamit ng serbisyo ng
Proteksyon ng my Xperia, pagkatapos ay tapikin ang
Tanggapin.
5
Kung mapo-prompt ka, mag-sign in sa iyong Google™ account, o gumawa ng
bago kung wala ka pang ganito.
6
Paganahin ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong device kung hindi pa
pinapagana ang function na ito.
Upang mapatunayan na matatagpuan ng Proteksyon ng my Xperia ang iyong device
pagkatapos mong i-aktibo ang serbisyo, pumunta sa
myxperia.sonymobile.com
at mag-sign in
gamit ang Google™ account na na-set up mo sa iyong device.
Kung gumagamit ka ng device na may maraming user, ang serbisyo ng Proteksyon ng my
Xperia ay available lang sa user na naka-log in bilang may-ari.